Thursday, January 3, 2013

St. Anthony de Padua Church

   http://www.vatelmanila.com/2009/03/st-anthony-de-padua-cogeo.html 

   http://www.facebook.com/photo.php?fbid=526784834018049&set=o.137596319654430&type=3&theater

Ito ang St. Anthony de Padua Church. Matatagpuan ito sa Brgy. Inarawan, Antipolo City at katabi lamang ito ng paaralang Dazsma. Sa mga larawang ito naipapakita ang mga katangian ng simbahan, tulad na lamang ng lawak nito na makakabuti nga sa mas nakararaming tao.


Don Antonio de Zuzuarregui Sr. Memorial Academy


http://www.facebook.com/pages/DAZSMAs-English-Club/137596319654430?sk=photos

DAZSMA o Don Antonio de Zuzuarregui Sr. Memorial Academy..kilala rin bilang JMA o Joseph Marello Academy. Makikita ito sa harap ng Brgy. Inarawan, Antipolo City. Mayroon itong Elementary at Highschool department. Binubuo ito ng Audio Visual Room, Library, Computer room, Speech at Science Lab, Faculty, Principal's office, Guidance office, Cashier, POD, Alumni office, Gymnasium, COOP, Clinic. Mayroon din ditong maintenance na nagpapanatiling malinis ang mga palikuran. Pwede ka ring magpaschool service dito. Sa loob ng eskwelahan ay mayroong daanan papasok ng St. Anthony de Padua Church kung saan ginaganap ang mga misa para sa ekwelahan at sa iba't ibang tao pa. Nagdadaos din ang paaralang ito ng "Foundation Day" kung saan ipinagdiriwang ang anibersaryo ng paaralan at nitong nakaraang taon nga lang ay nagdiwang ito ng ika-34th na anibersaryo.

Wednesday, January 2, 2013


Kilala din ang Antipolo sa mangga at kasoy. 
 Ang mangga ay isang prutas na namumunga sa puno, kulay dilaw ang katawan nang mangga. Masarap itong kainin.

http://betterphils.blogspot.com/2012/10/the-worlds-largest35-kg-mango-was.html

 Ang kasoy naman ay isang prutas na namumunga din sa puno. Ang buto nito ay tumutubo sa labas ng kanyang prutas, nakakain din ang buto nito.


 http://tl.wikipedia.org/wiki/Kasoy